Archive for July, 2005

to all fourth years students batch 2006..

Sunday, July 31st, 2005

hey batchmates!!! lalo na sa mga pinakamamahal kong schoolmates from quesci! (CHARING..Ü)

haay.. UPCAT na next week..

for sure, lahat tayo stressed na naman by the end of the week.. aral.. puyat.. research.. perio.. lahat na yata, pagdadaanan natin..

pero okie lang yan! alam ko namang kaya natin yan eh!

basta, aral lang tayo ng mabuti para makapasa!

and siyempre, dasal narin tayo.. yun ang the best!

oh sige.. goodluck nalang sa inyong lahat!

wish me luck narin..Ü

sana makapasa tayong lahat! lalo na sa mga fellow scientians ko!

goodluck din sa perio natin!!!Ü

guys! this is my last goodbye to all of you..

Tuesday, July 19th, 2005

august 7, 2005.. tandaan nyo yang date na yan..

well, yan lang naman ang itinakdang death day ko..

dahil UPCAT exams na namin.. syet..

if ever totoong mamatay na ako by august 7, eto na yung mga last na bagay na gusto kong gawin sa buhay ko..

LAST…

…food na kakainin ~ pizza sa yellow cab chaka isang gallon na ice cream na para sa akin lang (humingi pangit! walang aangal!)

…gig na pupuntahan ~ yung gig ng spongecola sa sm north, after nun yung gig ng mojofly sa el pueblo (aaminin ko na sa mga mahal ko na.. may LEUKEMIA ako! magandang drama yan huh!)

…na damit na isusuot ~ yung ever favorite kong jag na orange (yung may chinese character at dragon..Ü)

…school work na gagawin/iintindihin ko ~ yung hell naming research project.. pero ang pinakahuli, syempre magpeperio muna ako (oy classmates! sabihin nyo nalang saken thru prayers kung ako ba naging TOP ONE nyo.. haha via.. dream on..)

…cd na papakinggan ~ lahat syempre.. naging part din naman ng buhay ko yung music eh.. actually, yun ang reason ko in the first place kung bakit ako nabuhay sa earth..

…na mga bagay-bagay na bibilhin ~ yung mga ipapamana ko sa mga friends and families ko (souvenir kumbaga..Ü)

…kiss ~ huh?! asa naman.. pero kung pwede nga, galing kay ricci gurango sana.. haay.. in my next life (kung hindi man sa next life ko, siguro kung kailang nalang ako gaganda Ü.. asaness..)

…na taong gusto kong makipag-bati ~ kay kuya rayms sana (lakas ko naman mag-feeling.. malay ko, hindi naman talaga sya galit saken..)

…na taong gusto kong awayin ~ si lougee! jowk lang.. syempre, masayang mamatay nang wala kang kaaway..Ü

…prayer ~ na kung ako’y kukunin na ni lord, sana’y maging matiwasay na ang buong mundo.. peace!

…website na pupuntahan ko ~ ang walang kamatayang FRIENDSTER.COM! syempre, jan nagsimula ang lahat eh..Ü

…na dadalawin kong place ~ puntod ng lolo ko.. sasabihin ko, magpahanda sya ng maraming pagkain.. padating na ako eh.. asa.. (sabay sa hell daw ako napunta oh! dismaya!)

…na taong kakausapin ko ~ si ate karina! tatanong ko kung may gig ba sila sa heaven! haha!Ü

…na taong "aakapin" ko ng mahigpit na mahigpit ~ oy alyssa! pahiram muna kay papa zach mo huh?! mamatay naman na ako eh.. jowk lang! syempre, ang mommy ko..

…na bagay na babayaran/bibilhin ko ~ hehe! syempre yung kabaong ko! pati narin yung mga utang ko kanila chacha, michelle (oist! salamat sa lahat ng panlilibre nyo saken!Ü)

…na gagawin ko ~ kakanta ako ng walang kamatayang "sa uulitin" sa loob ng banyo ng bahay namin (maganda yung echo-echo effect namin eh!)

…drink na iinumin ko ~ red horse! yeah! walang ganyan sa heaven! bwahaha!Ü (pangit naman.. maamoy pa nung mga nakikipag-lamay yung hininga ko..)

…book na babasahin ko ~ sige na nga.. tatapusin ko na yung "hundred years of solitude".. hindi ko madadala sa langit yung libro (kasi, hindi sya saken in the first place)

…mall na gagalaan ko ~ kahit saan basta wala si pesteng kalabaw.. pwede na rin yung kung saan man may gig..

…message to the living pipz ~ depende eh.. sa mga mahal ko, syempre, "see you soon!".. kapag sa kaaway ko naman, "i shall return!".. patay kayo saken.. pero in general, eto lang ang masasabi ko.. bahala na kayo sa layp nyo! basta ako, wala na akong problema! masaya na ako sa langit! haha! mamatay na rin kayo sa inggit!Ü

epal kasi si chacha  eh.. dapat talaga ilalagay ko yung buong letter ko para sa lahat (basta ang start nun eh: paalam na sa inyong lahat.. sandaling panahon na lamang ang ilalagi ko sa mundong ito.. salamat sa lahat ng magagandang ala-alang pinagsamahan natin.. natutuwa akong nakilala ko kayo sa sandaling panahong inilagi ko sa mundo.. mau, alagaan mo sila mommy at daddy.. and all that jazz)..

papatayin nya daw kasi ako eh..

nanakot daw ba..

basta pagkamatay ko, isang bagay lang ang gagawin ko..

mananakot ako..

uunahin ko si chacha..Ü

p.s.

dapat pumasa muna ako sa UPCAT..

tamang-tama.. kapag bumagsak ako, may reason na ako para mamatay.. (diba?!Ü)

hell with the research project!!!

Thursday, July 7th, 2005

ewan ba kung bakit pero nakaka-badtrip talaga..

kung pwede lang sunugin ang research, marami na siguro ang nakagawa nun.. ikaw ba naman ay gumastos ng malaki at halos mahulog ang katawan sa sobang pagod at puyat eh gugustuhin mo pa yung hell na subject na yun?! tapos badtrip pa yung teacher.. pinagmumukha niya kaming mga tanga.. ang totoo talaga is, hindi kami interesado sa mga pinagsasasabi niya.. titigan mo palang yung mukha niyang parang inembalsamong buhay eh mawawalan ka na ng ganang makinig.. palibhasa, researcher talaga eh.. kitang-kita sa eyebags niya.. haha! ü

nagsimula yan nung hindi na naman ako natuloy sa gig ng kjwan last sunday (03 july 2005) dahil hindi pinayagan yung kasama ko.. tapos, ewan ko pero parang nabobo ako this week.. natutulog na nga ako ng maaga tapos, tuliro parin yung utak ko tuwing discussion.. lahat ng sagot ko sa recitation, puro mali.. siguro dahil sa research naming hell (you know what? yun lang ang dahilan para hindi ako maka-graduate sa highschool).. tapos, ayun.. may sakit pa ako.. hindi pa rin nawawala yung ubo chaka sipon ko.. mejo malabo na rin nga yung mga mata ko eh..

pero infairness, mejo masaya ako kasi.. makikita ko ang mojofly sa sabado.. tapos may pupuntahan akong debut.. kinabukasan, gagawa ako ulit ng research.. tapos, may community service pa sa cubao.. the next day nun, abnormal na naman ang araw ko.. dahil sa hell na school..

pero sana naman hindi na ganon last week..

~via~

harhar! i was the first in our batch to see kjwan’s latest vid!

Saturday, July 2nd, 2005

ang saya.. ang galing!!!

hehe.. ako ang una.. ang umangal, PANGIT!!! ü

basta.. sana ako ulit first sa batch na makakakita ng next vid nila..

as of now, maghihintay muna ako..

mabuhay ang KJWAN!!!

haha.. sana makausap at makapagpa-sign na ako ng cd kay marc.. wala lang ü.. lagi nalang kasing nauudlot eh.. kasi naman eh.. kaharap ko na, may umepal pa.. syet talaga..

di bale.. magkikita naman kami eh.. BUKAS!!!

kaya ramon marcelino diaz-abaya.. HUMANDA KA!!!

totoo na talaga ‘toh.. sa may sm north pa nga eh.. 4 pm.. sa garden..

sige yun nalang muna.. nag-announce lang naman ako eh.. nangulit na rin..

~via~