dandalandandan!!!

November 22nd, 2005 by lostsoulforever

HAPPY BIRTHDAY, YSMAEL!!! Ü

Currently listening to: Sandwich’s “Butterfly Carnival”

THUMB’S UP

(Birthday Song)

It’s your birthday

At McDonald’s!

So, thumbs up for YAEL!

Make a silly sound

Add one more

Tap the floor

And shake it all around!

It’s your birthday

You’re one year older!

So, thumbs up for YAEL!

Make a silly sound

Add one more

Tap the floor

And shake it all around

It’s your birthday

At McDonald’s

So…

So…

Thumbs up for YAEL!

Make a silly sound

Add one more

Tap the floor

And shake it all around

It’s your birthday

At McDonald’s

That’s why we’re singing

To you now!!!

Haha! What a nice introduction!!! (Nyak! Mag-post daw ba ng lyrics ng birthday song sa McDonald’s! Haha!)

YSMAEL YRASTORZA YUZON!

Ang birthday boy!!!

It’s been a year since naging crush kita!!! (Kinalaman sa pagiging birthday boy?! Haha!)

Lahat ng crush ko dati natibag na ng panahon!!!

And yet, you’re still in my list!

Ang crush kong metal!!! (And that won’t change no matter what!!!Ü)

Mga natatangi kong mensahe para kay YAEL!!!:

1. Take care always!!!

2. May the Lord our God bless you always!!!

3. Hope more birthdays to come!!!

4. Good luck sa studies at sa career!!!

5. Sana ay palagi kang nasa mabuting kalagayan!!! (CHARING!!!)

Ayun lang po muna sa ngayon!!!

Sana nababasa mo siya noh?! Haha!

Ciao!!!Ü

para sa crush ko.. hayaan na muna natin sila..

November 17th, 2005 by lostsoulforever

Tulog Na

Sugarfree

tulog na mahal ko
hayaan na muna natin ang mundong ito
lika na, tulog na tayo.
tulog na mahal ko
wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
saka na mamroblema

tulog na hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kung matulog, matulog ka na…

tulog na mahal ko
nandito lang akong bahala sa iyo
sige na, tulog na muna
tulog na mahal ko
at baka bukas ngingiti ka sa wakas
at sabay natin haharapin ang mundo

tulog na hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kung matulog, matulog ka na…

hanggang makatulog ka

puta! suicide na!

October 6th, 2005 by lostsoulforever

hehe.. hindi ako normally nagmumura sa mga pinopost ko, right?! kaso, hayaan nyo muna akong ilabas ang aking sama ng loob..

actually, kakaiyak ko lang kasi hindi ko matanggap na natalo kaagad ang la salle sa game two.. syempre, ang gusto kong mangyari is umabot sa game three para makapanood ako ng live this saturday.. kung sino man ang manalo, bahala na sana si lord..

well, nakakailang ulit na yung monica ng ciudad.. badtrip nga eh.. akala ko kasi yan yung "winning song" ng la salle.. kainis..

basta for more of that "iyakan moments after game two", puntahan nyo nalang yung blog ko.. pero wag muna ngayon.. underconstruction pa.. basta, ia-update ko nalang kayo..

medyo okay na ako.. pero syempre, malungkot pa rin.. kaya sige.. itutulog ko nalang muna toh..Ü

ehem.. what i want for my birthday!!!

September 27th, 2005 by lostsoulforever

WISHLIST ko.. MAGPAPARINIG lang ako g KONTI..Ü

it’s my birthday, at mcdonald’s.. so, thumbs up for me! make a silly sound, add one more, tap the floor (tentenentenent) and shake it all around!!! i’m already seventeen (yuck! ipangalandakan ba naman!)!!! okay lang yun.. nga pala, invited kayo sa party ng buhay ko (tulog na tayo).. basta ba dala nyo ang kahit isa sa mga sumusunod na bagay as a gift.. yun lang, masaya na ako..Ü

1. digicam (asaness! pero hindi malayong matupad! malapit na akong magkapera!wahoo!!!)

2. yung book na "holy blood, holy grail" (ano ba yan?! magpapaka-satanista na naman ba ako?!)

3. imago’s "take two!" (kasi naman eh.. binenta ko pa.. ayan tuloy..)

4. gitara (makapag-aral nga muna..)

5. boyfriend! (duh?! alam ko namang napaka-"SUNTOK SA BUWAN" nyan eh.. umaasa pa!)

6. bagong phone! (shit!)

sabi naman eh.. mababaw lang ang happiness ko eh..Ü

*cha, salamat nga pala sa dragonfly na binigay mo.. grabe, naiyak ako.. (joke lang!Ü)

August 29th, 2005 by lostsoulforever

hehe.. ewan ko.. kasalukuyan akong nagda-drama

dahil sa shit na UPCAT na yon nang bigla kong

nadinig ang kantang ito sa 97.1 kagabi.. hehe..

buti nga, buhay pa ako eh.. matagal-tagal ko ring

hindi napakinggan ‘tong song na toh huh.. kaya ayun..

sinearch ko yung lyrics.. swak na swak para sakin eh

(at dun din sa mga taong hindi napapansin

nung taong gusto nila yung feelings nila

[mahal nung iba, rather] kahit lantaran na nyang

hinahayag yung damdamin nya.. nang hindi

nagpapa-pampam [sana naintidihan nyo sya noh?!])..

para na rin sa lahat ng MANHID na nakakabasa nito ngayon..

INSENSITIVE
Jann Arden

How do you cool your lips, after a summer's kiss?
How do you rid the sweat, after the body bliss?
How do you turn your eyes, from the romantic glare?
How do you block the sound of a voice
You'd know anywhere?

*Oh I really should've known
By the time you drove me home
By the vagueness in your eyes, your casual goodbyes
By the chill in your embrace
The expression on your face told me
Maybe you might have some advice to give
On how to be insensitive, insensitive, insensitive

How do you numb your skin, after the warmest touch?
How do you slow your blood, after the body rush?
How do you free your soul, after you've found a friend?
How do you teach your heart it's a crime to fall in love again?

Oh you probably won't remember
It's probably ancient history
*I'm one of the chosen few
Who went ahead and fell for you
I'm out of vogue, I'm out of touch
*I fell too fast, I feel too much
I thought that you might have, some advice to give
On how to be insensitive

Oh I really should've known
By the time you drove me home
*By the vagueness in your eyes, your casual goodbyes
By the chill in your embrace
The expression on your face that told me
Maybe you might have some advice to give
How to be insensitive.. 
legend ~ *ano?! tinamaan ka noh?!
Ang kantang ito ay dedicated sa mga
sumusunod na kapipolan: 
1. cha bongat ~ ano?! ayos ba?!ü
2. my dear mother lilian ~ haay ma.. kung alam 
mo lang sana kung gaano kita kamahal.. aaaw!
3. rayms fabul ~ oy! wag mag-feeling!
hindi na kita po crush.. pero sana, nagrereply ka.. 
pasensya na, tanga lang..
4. "rave" ~ SANA LANG.. hindi ka nagfi-feeling..ü
5. sa mga nang-aaway sa'kin ~ pare-pareho lang naman tayong may kamalian at 
kapintasan.. kaya wag kayong ganyan sa kapwa nyo (with maching pa-awa effect!)
6. sa lahat ng nagawan ko ng kasalanan ~ sorry na.. 
pare-pareho lang naman tayong may kamalian at kapintasan.. oy, sincere yan huh!
7. at lastly, kay BIRD POOP ~ sensya na, hindi pa kita mabigyan ng matinong code name eh.. 
pero sana, hindi ka katulad ni "rave".. nyehehe.. ewan ba kung bakit at 
paano kita naging crush.. ang sa akin lang, wag kang maging bato 
(at, alam mo rin sana kung sino ka at sino ako noh in the first place.. labo ko rin eh..
wakekek..ü)

basta, yun na muna sa ngayon.. ciao!!!

to all fourth years students batch 2006..

July 31st, 2005 by lostsoulforever

hey batchmates!!! lalo na sa mga pinakamamahal kong schoolmates from quesci! (CHARING..Ü)

haay.. UPCAT na next week..

for sure, lahat tayo stressed na naman by the end of the week.. aral.. puyat.. research.. perio.. lahat na yata, pagdadaanan natin..

pero okie lang yan! alam ko namang kaya natin yan eh!

basta, aral lang tayo ng mabuti para makapasa!

and siyempre, dasal narin tayo.. yun ang the best!

oh sige.. goodluck nalang sa inyong lahat!

wish me luck narin..Ü

sana makapasa tayong lahat! lalo na sa mga fellow scientians ko!

goodluck din sa perio natin!!!Ü

guys! this is my last goodbye to all of you..

July 19th, 2005 by lostsoulforever

august 7, 2005.. tandaan nyo yang date na yan..

well, yan lang naman ang itinakdang death day ko..

dahil UPCAT exams na namin.. syet..

if ever totoong mamatay na ako by august 7, eto na yung mga last na bagay na gusto kong gawin sa buhay ko..

LAST…

…food na kakainin ~ pizza sa yellow cab chaka isang gallon na ice cream na para sa akin lang (humingi pangit! walang aangal!)

…gig na pupuntahan ~ yung gig ng spongecola sa sm north, after nun yung gig ng mojofly sa el pueblo (aaminin ko na sa mga mahal ko na.. may LEUKEMIA ako! magandang drama yan huh!)

…na damit na isusuot ~ yung ever favorite kong jag na orange (yung may chinese character at dragon..Ü)

…school work na gagawin/iintindihin ko ~ yung hell naming research project.. pero ang pinakahuli, syempre magpeperio muna ako (oy classmates! sabihin nyo nalang saken thru prayers kung ako ba naging TOP ONE nyo.. haha via.. dream on..)

…cd na papakinggan ~ lahat syempre.. naging part din naman ng buhay ko yung music eh.. actually, yun ang reason ko in the first place kung bakit ako nabuhay sa earth..

…na mga bagay-bagay na bibilhin ~ yung mga ipapamana ko sa mga friends and families ko (souvenir kumbaga..Ü)

…kiss ~ huh?! asa naman.. pero kung pwede nga, galing kay ricci gurango sana.. haay.. in my next life (kung hindi man sa next life ko, siguro kung kailang nalang ako gaganda Ü.. asaness..)

…na taong gusto kong makipag-bati ~ kay kuya rayms sana (lakas ko naman mag-feeling.. malay ko, hindi naman talaga sya galit saken..)

…na taong gusto kong awayin ~ si lougee! jowk lang.. syempre, masayang mamatay nang wala kang kaaway..Ü

…prayer ~ na kung ako’y kukunin na ni lord, sana’y maging matiwasay na ang buong mundo.. peace!

…website na pupuntahan ko ~ ang walang kamatayang FRIENDSTER.COM! syempre, jan nagsimula ang lahat eh..Ü

…na dadalawin kong place ~ puntod ng lolo ko.. sasabihin ko, magpahanda sya ng maraming pagkain.. padating na ako eh.. asa.. (sabay sa hell daw ako napunta oh! dismaya!)

…na taong kakausapin ko ~ si ate karina! tatanong ko kung may gig ba sila sa heaven! haha!Ü

…na taong "aakapin" ko ng mahigpit na mahigpit ~ oy alyssa! pahiram muna kay papa zach mo huh?! mamatay naman na ako eh.. jowk lang! syempre, ang mommy ko..

…na bagay na babayaran/bibilhin ko ~ hehe! syempre yung kabaong ko! pati narin yung mga utang ko kanila chacha, michelle (oist! salamat sa lahat ng panlilibre nyo saken!Ü)

…na gagawin ko ~ kakanta ako ng walang kamatayang "sa uulitin" sa loob ng banyo ng bahay namin (maganda yung echo-echo effect namin eh!)

…drink na iinumin ko ~ red horse! yeah! walang ganyan sa heaven! bwahaha!Ü (pangit naman.. maamoy pa nung mga nakikipag-lamay yung hininga ko..)

…book na babasahin ko ~ sige na nga.. tatapusin ko na yung "hundred years of solitude".. hindi ko madadala sa langit yung libro (kasi, hindi sya saken in the first place)

…mall na gagalaan ko ~ kahit saan basta wala si pesteng kalabaw.. pwede na rin yung kung saan man may gig..

…message to the living pipz ~ depende eh.. sa mga mahal ko, syempre, "see you soon!".. kapag sa kaaway ko naman, "i shall return!".. patay kayo saken.. pero in general, eto lang ang masasabi ko.. bahala na kayo sa layp nyo! basta ako, wala na akong problema! masaya na ako sa langit! haha! mamatay na rin kayo sa inggit!Ü

epal kasi si chacha  eh.. dapat talaga ilalagay ko yung buong letter ko para sa lahat (basta ang start nun eh: paalam na sa inyong lahat.. sandaling panahon na lamang ang ilalagi ko sa mundong ito.. salamat sa lahat ng magagandang ala-alang pinagsamahan natin.. natutuwa akong nakilala ko kayo sa sandaling panahong inilagi ko sa mundo.. mau, alagaan mo sila mommy at daddy.. and all that jazz)..

papatayin nya daw kasi ako eh..

nanakot daw ba..

basta pagkamatay ko, isang bagay lang ang gagawin ko..

mananakot ako..

uunahin ko si chacha..Ü

p.s.

dapat pumasa muna ako sa UPCAT..

tamang-tama.. kapag bumagsak ako, may reason na ako para mamatay.. (diba?!Ü)

hell with the research project!!!

July 7th, 2005 by lostsoulforever

ewan ba kung bakit pero nakaka-badtrip talaga..

kung pwede lang sunugin ang research, marami na siguro ang nakagawa nun.. ikaw ba naman ay gumastos ng malaki at halos mahulog ang katawan sa sobang pagod at puyat eh gugustuhin mo pa yung hell na subject na yun?! tapos badtrip pa yung teacher.. pinagmumukha niya kaming mga tanga.. ang totoo talaga is, hindi kami interesado sa mga pinagsasasabi niya.. titigan mo palang yung mukha niyang parang inembalsamong buhay eh mawawalan ka na ng ganang makinig.. palibhasa, researcher talaga eh.. kitang-kita sa eyebags niya.. haha! ü

nagsimula yan nung hindi na naman ako natuloy sa gig ng kjwan last sunday (03 july 2005) dahil hindi pinayagan yung kasama ko.. tapos, ewan ko pero parang nabobo ako this week.. natutulog na nga ako ng maaga tapos, tuliro parin yung utak ko tuwing discussion.. lahat ng sagot ko sa recitation, puro mali.. siguro dahil sa research naming hell (you know what? yun lang ang dahilan para hindi ako maka-graduate sa highschool).. tapos, ayun.. may sakit pa ako.. hindi pa rin nawawala yung ubo chaka sipon ko.. mejo malabo na rin nga yung mga mata ko eh..

pero infairness, mejo masaya ako kasi.. makikita ko ang mojofly sa sabado.. tapos may pupuntahan akong debut.. kinabukasan, gagawa ako ulit ng research.. tapos, may community service pa sa cubao.. the next day nun, abnormal na naman ang araw ko.. dahil sa hell na school..

pero sana naman hindi na ganon last week..

~via~

harhar! i was the first in our batch to see kjwan’s latest vid!

July 2nd, 2005 by lostsoulforever

ang saya.. ang galing!!!

hehe.. ako ang una.. ang umangal, PANGIT!!! ü

basta.. sana ako ulit first sa batch na makakakita ng next vid nila..

as of now, maghihintay muna ako..

mabuhay ang KJWAN!!!

haha.. sana makausap at makapagpa-sign na ako ng cd kay marc.. wala lang ü.. lagi nalang kasing nauudlot eh.. kasi naman eh.. kaharap ko na, may umepal pa.. syet talaga..

di bale.. magkikita naman kami eh.. BUKAS!!!

kaya ramon marcelino diaz-abaya.. HUMANDA KA!!!

totoo na talaga ‘toh.. sa may sm north pa nga eh.. 4 pm.. sa garden..

sige yun nalang muna.. nag-announce lang naman ako eh.. nangulit na rin..

~via~